
Sa isang exclusive interview with GMA Network, ikinuwento ni Ken Chan na nais niyang mamigay ng regalo sa mga bata ngayong Pasko. Aniya, "We are planning to give gifts and a party sa mga bata sa PGH (Philippine General Hospital). Mag-i-invite rin kami ng mga artista para sa gift giving para sa mga batang may cancer sa PGH."
Inilarawan din ni Ken ang isang Paskong Kapuso at kung paano mag-celebrate ng Pasko ang mga artsita sa GMA Network. Ika ng aktor, "Kung i-de-describe ko ang Paskong Kapuso, ma-de-describe ko siya as punong-puno ng buhay... Nakakatuwa din na ni-lu-look forward ng mga tao, lalo ng mga bata, 'yung GMA Network na nagbibigay ng mga gamit, mga laruan, mga regalo sa mga bata."
Season of giving naman talaga ang Pasko para sa kay Ken. Dagdag kuwento pa niya ang kanyang pagiging isa sa mga ambassadors ng nakaraang Noel Bazaar, "Nakakatuwa na nagsama-sama ang mga Kapuso stars para mag-donate ng mga gamit nila at i-bid sa mga tao. At 'yung pera na kinita mula sa auction, mapupunta sa mga bata sa Marawi. Mararamdaman mo talaga 'yung essence ng Pasko dito sa GMA dahil sa mga ganung ginagawa natin. 'Yun 'yung ma-de-describe ko as Paskong Kapuso."
Abangan ang star-studded na Christmas Special titled 'Paskong Kapuso: The GMA Christmas Special' ngayong Sunday, December 17, pagkatapos ng 'Kapuso Mo Jessica Soho.'