
Very close si Kapuso actor Pancho Magno sa kanyang ina na si GMA Vice President for Drama Redgie Acuña-Magno.
Ngayong pumasok na si Pancho sa panibagong stage ng kanyang buhay, nagbigay siya ng mensahe ng pasasalamat sa kanyang ina.
"I honestly can’t thank you enough not only how you prepared me physically, emotionally, and spiritually for 'The Wedding of Century' but raised me for who I am today as a Christian and as your favorite son," sulat niya sa kanyang Instagram account.
Marami daw silang hindi napagkakasunduan pero nangangako siyang tutuparin ang lahat ng naipangako sa kanyang ina.
"I know we argue a lot because you are not just my mom, you are also my best friend and I’m more open and honest to you [than] anyone. I will never ever break my promise to you. I love you so much RAM...no, I mean MUM," aniya.
Basahin ang kanyang full message dito:
Ikinasal si Pancho sa kanyang longtime girlfriend at kapwa Kapuso star na si Max Collins noong December 11.