
Nakalaya na mula sa Angeles City Jail sa San Fernando, Pampanga ang aktor na si Mark Anthony Fernandez. Inaresto si Mark Anthony sa kasong transport of illegal drugs. Ito ay dahil may nakitang marijuana sa kotse ng aktor noong October 2016. Hiningi ng kampo ni Mark Anthony na ibasura ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya. December 22, Friday, nakalaya ang aktor mula sa kulungan.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: