What's Hot

Bong Revilla spends Christmas Eve with family

By Gia Allana Soriano
Published December 25, 2017 6:10 PM PHT
Updated December 25, 2017 6:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House hearing on the sinking of M/V Trisha Kerstin 3 (Feb. 26, 2026) | GMA Integrated News
100 katao, libreng papa-pustisuhan ng GMAKF sa ilalim ng "Ngiting Kapuso Project" | 24 Oras
Retired judge recalls People Power in Cebu City

Article Inside Page


Showbiz News



Panandaliang nakalabas sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame ang dating senador upang makasama ang kanyang pamilya sa bisperas ng Pasko.

Nakasama ng actor/politician na si Bong Revilla ang kanyang pamilya ngayong Pasko.

Panandaliang nakalabas sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame ang dating senador upang makasama ang kanyang pamilya sa bisperas ng Pasko.

Ika ni Bong sa kanyang Facebook account, "Merry Christmas to everyone! Isa na po ito siguro sa pinakamagandang Pasko sa aking buhay. Dahil sa Biyaya ng Panginoon, matapos ang tatlong kapaskuhan, nabigyan ako ng pagkakataon na muli itong salubungin kasama ang aking pamilya, at kayo, mga minamahal kong kababayan, sa labas ng piitan. Kahapon ko lang naramdaman ang matinding pangungulila sa mga nakalipas na taon, nang muli ninyong iparamdam sa akin ang inyong patuloy na pagmamahal at suporta. Hindi ko mailagay sa salita ang pag-uumapaw ng galak at pasasalamat sa sidhi at init ng inyong pagyapos at pagtanggap sa akin makalipas ang halos apat na taon. In the very short amount of time I was allowed to spend outside jail with you, nakita ko na napakarami ng nagbago. Kaya lalo po akong na-touch na sa kabila nito, hindi nagbago ang pagtingin at pagmamahal ninyo sa akin. Ganundin po ako sa inyo. God is very good! Patuloy tayong magtiwala sa Kanyang kadakilaan at galing. I love you all so much. Tunay na Maligayang Pasko po sa ating lahat!"

 

Nakasama ni Bong ang kanyang pamilya simula 11 a.m. hanggang 9 p.m. kahapon, December 24.

Isa rin sa mga natuwa sa panandaliang paglaya ni Bong ay ang Filipina talk show host at entertainment writer na si Lolit Solis.

READ: Lolit Solis, masaya para kina Bong Revilla at Mark Anthony Fernandez