
Dalawang araw na lang at ikakasal na ang beteranong Kapuso broadcast journalist na si Kara David sa musikerong si LM Cancio.
Kung ang ibang brides ay nakatuon na sa kanilang nalalapit na kasal, si Kara naman ay todo trabaho pa rin.
Sa kanyang Instagram post, makikita na busy pa rin si Kara sa pagsusulat ng kanyang scripts at pagvo-voice over para sa show na I-Witness.
Patuloy pa rin siyang nag-anchor ng News To Go kasama ang kanyang ninong sa kasal na si Howie Severino.
Tatlong araw naman bago ang kanyang kasal ay nag-shoot pa si Kara para sa programang Pinas Sarap.
Hindi talaga matatawaran ang kasipagan ni Kara, ang ating #WorkingBride!
Ikakasal si Kara kay LM sa Sabado, January 6 sa St. James the Apostle Parish sa Betis, Pampanga.