
Sa panayam sa kaniya ni Arnold Clavio sa Tonight With Arnold Clavio, umamin ang aktor na si Diether Ocampo na humagulgol na siya dahil sa pag-ibig.
TRIVIA: 15 Celebrity couples who filed for annulment & divorce
Ayon kay Diether, isa raw itong rewarding experience nang naranasan niya ang ganung pagsubok sa buhay.
Saad niya, “'Pag mayroon kang hindi naintindihan talagang pagdadaanan mo ‘yun and it’s [a] very rewarding experience, dahil para sa akin kasi bata pa ako noon eh wala ka pang masyadong experience dun sa ganung kategorya. Kaya kapag dinaanan mo ‘yun mas naiintindihan, mas alam mo na.”
Tumagal ang dati niyang relasyon sa print model na si Rima Ostwani ng dalawang taon.
Dati naman siyang ikinasal sa former Hay, Bahay! star na si Kristine Hermosa noong September 2004 at na-annul ang kanilang pag-iisang dibdib noong March 2006.