
Simula pa lang ng taon ay abala na si Asia's Songbird Regine Velasquez sa kanyang upcoming concerts at projects din sa GMA Network.
Una sa kanyang schedule ay ang concert nila nina Christian Bautista at Julie Ann San Jose titled 3 Stars, 1 Heart na gaganapin ngayong January 20 sa Waterfront Hotel, Cebu.
Aniya, "I've worked with both of them on TV sa SOP, or minsan nag-gu-guest ako sa concerts nila. Pero, we never really done a concert together, just the three of us. So, that's also an exciting project for me."
Susunod naman ang Valentine's Day offering nila ang #paMORE kung saan makakasama niya ang asawa niyang si Ogie Alcasid, at sina Martin Nievera and Erik Santos.
Ika niya, "Iba kasi ako lang 'yung babae ngayon. Parang exciting 'yung mga songs na puwede namin gawin. We wanna do songs na we all grew up listening to. Alam mo 'yun, so iba iba pa rin siyang genre."
May isa ring upcoming project ang Kapuso star sa kanyang mother network. Kuwento niya, "It's exciting because I'm going back to hosting. A talent show. So, I'm excited to do that. Iba 'yung concept. Hindi ko muna sasabihin, 'wag muna natin ikuwento para surprise."
Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News