
Birthday greeting at payo ang natanggap ni Alden Richards mula kay Gladys Guevarra para sa kanyang kaarawan.
Nitong January 2 ay nag-celebrate si Alden ng kanyang birthday at inulan siya ng mga mensahe mula sa kanyang mga kaibigan sa industriya. Isa rito ay ang kanyang Sunday PinaSaya co-star na si Gladys.
WATCH: Alden Richards, nakipag-bonding sa kanyang fans sa isang theme park
Tinawag ni Gladys si Alden na "mabait na bata" sa kanyang birthday message. Aniya, "Happy Birthday sa mabait na batang ito."
Dagdag niya ay ang payo para sa kanyang itinuturing na kaibigan sa showbiz.
"Huwag kang magbabago. Sana ganyan ka lang hanggang 100 years old ka na. Hehehe! Lab yu! @aldenrichards02"