
Kahit busy sa kani-kanilang showbiz commitments, hindi pa rin nakalimot ang ilang Kapuso celebrities na manalangin sa Itim Na Nazareno sa araw ng kapistahan nito.
Kanya-kanyang post sila sa Instagram para maipakita ang pananampalataya nila rito.
Isa na riyan ang dating Meant To Be star na si Tina Paner na isang deboto ng poong Nazareno.
Si Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas naman naghandog pa ng panalangin.
Hindi man nakalahok sa Translacion ang Sirkus star na si Gardo Versoza, isang panata kung maituturing ang kanyang pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng charity bike ride.