
Ibinahagi ni Ice Seguerra ang kuwento ng kanyang pagbabawas ng timbang para magsilbing inspirasyon sa mga nais maka-achieve ng healthy lifestyle.
READ: Former child star's open letter to family and friends
Ani ni Ice, "Sooo, as you all know, I’m trying to lose weight. Medyo hindi maganda 'yung lumabas na resulta ng aking annual physical exam. High cholesterol, high sugar and high uric. Daig ko pa mga magulang ko. Haha!
Inilahad niya rin ang kanyang pagsisimula sa pagsabak sa healthy eating habits.
"I started my weight loss journey late last year pero natigil ng December and then jump started na naman a week ago. Masaya lang ako kasi na resist kong mag kanin habang katapat ko 'yung bulalo kanina. Malaking bagay sa akin 'yun. Yehey!"
Dagdag pa ni Ice nakabawas siya ng 10 pounds at umaasang maka-inspire siya ng mga tao sa kanyang weight loss journey.
"I started at 150 lbs. tapos nag check ako this morning and I’m at 140. Hopefully, if makahanap ng sipag at oras, I can start exercising na rin. Still a long way to go but I’m putting it here para makirinig ako ng words of encouragement. Hahahaha! Here is a pic of my assessment. Ang tataas ng marka ko!"