Showbiz News

Mark Anthony Fernandez on nakabuntis issue: 'It was fake news'

By Gia Allana Soriano

May mga kumakalat na nakabuntis daw ang dating matinee idol na si Mark Anthony Fernandez habang nakakulong sa Pampanga Provincial Jail. Sa isang interview with 24 Oras, sinagot naman ni Mark ang mga usap-usapan.

Aniya, "Hindi po totoo, hindi po totoo, kawawa naman po sila, na nachi-chismis po sila. Baka maano pa sila ng boss nila. Ni hindi ko po sila aquaintance. Ano po, it was fake news."

Sa kanyang pagkakakulong, may mga naging realizations ang aktor. Saad ni Mark, "'Yung buong proseso po na 'yun, 'yung buong stay doon was talagang mahirap po para sa akin. I consider it a nightmare na kaunti, pero sa awa ng Diyos tapos na po, tapos na po 'yun."

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: