
Sa mga pelikula daw ng kanyang yumaong ama na si Rudy Fernandez humugot ng inspirasyon si Mark Anthony Fernandez habang siya ay nasa piitan.
"'Yung mga pelikula na nakukulong siya parang ginagamit ko ding motivation 'yun. 'Yung mga pose na nandoon ka lang sa kulungan, kinokopya mo na lang 'yung napanood mo doon sa pelikula. May ganun factor!" natatawang pahayag ni Mark.
Ito daw ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob sa bawat araw sa kulungan.
"'Yun 'yung motivation para lang matanggal 'yung takot, para maging matapang ka, mawala 'yung spirit mo sa takot. Kumbaga parang umaarte lang din," aniya.
Hindi rin daw niya nakalimutang magdasal at humingi ng tulong sa kanyang ama.
"Actually, nag-send din ako ng prayer nga pala sa kanya dati. Sabi ko, 'Dad, kung nasaan ka man, tulungan mo ko. Ilabas mo ako dito,'" kuwento niya.
Matatandaang mahigit isang taong nakulong si Mark matapos sa Pampanga Provincial Jail matapos mahulihan ng marijuana.
Noong nakaraang Disyembre na-dismiss ang kanyang kaso at nakalaya din.
Panoorin ang buong interview ni Mark sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.