What's Hot

WATCH: Rich Asuncion, from fisherman's daughter to artista

By Marah Ruiz
Published February 9, 2018 2:34 PM PHT
Updated February 9, 2018 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hussein Loraña, Naomi Marjorie Cesar rule athletics' 800m events at 2025 SEA Games
Baste Duterte slams opening of unfinished road project
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang nakaka-inspire na kuwento ni Rich Asuncion bilang anak ng isang mangingisda sa Bohol hanggang sumali siya sa 'StarStruck.'

Isang proud Boholana ang Kapuso actress na si Rich Asuncion. 

Sa panayam ni Rhea Santos para sa programang Tunay Na Buhay, sinariwa ni Rich ang simpleng pamumuhay niya noon sa Bohol. 

"Actually, hindi kami mayaman. Mahirap kami pero hindi kami malungkot. Masaya kami," pahayag ng aktres. 

Mula sa pamilya ng mga mangingisda si Rich. 

"Noong una, wala kaming bahay. They had to go fishing. 'Yun 'yung naging trabaho ng parents ko. Fishermen sila," aniya.

Tumutulong din siya sa kanyang pamilya simula kanyang pagkabata. 

"Ilalako namin—ako, 'yung kapatid ko, 'yung mommy ko—ilalako namin sa barangay namin [ang mga nahuling isda]," kuwento niya. 

Hindi raw niya naisip na ang kahirapan ang magiging hadlang sa kanyang mga pangarap.

"Naging dahilan 'yun para mas magpursigi ako. Hindi ako na-down dahil wala kaming laruan katulad ng pinsan ko. Hindi ako na-down dahil wala kaming masasarap na pagkain," kuwento ni Rich.

Naging mahalaga rin daw kay Rich ang edukasyon. 

"I really value education. Hindi naman ako 'yung tipong achiever pero I make sure na I go to the best schools. Gusto ko, kasama ko mga matatalino kasi noong high school ako, nag-science high school ako," ani Rich.

Sinubukan din niyang sumali sa isang beauty pageant para makapagpatuloy sa kolehiyo.

"Nakapasok ako ng college sa Bohol because sumali ako ng pageant. Kasi one of the prices was a scholarship grant kaya ako nakapasok sa college. Kasi hindi na-afford nina papa at mama na ipa-college ako," kuwento niya. 

2007 nang sumali si Rich bilang isang contestant sa artista search na StarStruck. Siya ang nanalo bilang "First Princess" o katumbas ng runner-up. 

"Sobrang overwhelming. First time ko nakahawak ng PHP 200,000. Pinagawa na namin 'yung bahay namin paunti-unti, kung ano'ng kailangan sa pag-aaral ng kapatid ko," pahayag niya.

"Naituro sa akin ng StarStruck na importante that you hold on to your dreams, push for it," dagdag pa niya. 

Panoorin ang feature ng Tunay Na Buhay kay Rich: 

Video courtesy of GMA Public Affairs