Showbiz News

WATCH: Pag-iibigan nina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan, nagsimula sa badminton

By Marah Ruiz

Sa paglalaro daw ng badminton nagkakilala si Kapuso comedian Aiai Delas Alas at kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Matatandaang kabilang si Gerald sa national team ng badminton at nagkataong naglalaro din ng badminton si Aiai sa court kung saan idinadaos ang training ng team.

"Kasi noong umaga, nag-traning kami. 'Yung ka-teammate ko nagyaya na, 'Uy, laro tayo sa court namin! Maglalaro si Aiai.' Sabi ko, 'O sige wala naman akong gagawin.' Noong gabi na, kinausap ko siya na, 'Uy pwede pa tayong maglaro, Madame.' Nambobola na ko," kuwento ni Gerald sa programang Tonight With Arnold Clavio. 

Hindi naman daw niya maipaliwanag ang attraction niya kay Aiai, lalo na at hindi siya mahilig sa artista. 

"Naglaro na kami noong gabi, siyempre ako nagpapa-cute, masigasig. Natutuwa ako sa kanya na hindi ko ma-explain eh," aniya. 

"Naglaro kami noong gabi tapos kinabukasan, magkausap na kami. Magka-text-text," dagdag pa niya.

Ibinahagi din ni Aiai na itinago niya ang relasyon nila ni Gerald mula sa kanyang mga anak. 

Ito ang unang interview ng mag-asawa matapos ikasal noong December 12, 2017 sa Christ The King Church. 

Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan's first interview after getting married on 'Tonight with Arnold Clavio'

Laking pasasalamat daw niya at naging open ang mga ito at tinaggap si Gerald sa kanilang pamilya.

Panoorin ang feature ng Tonight With Arnold Clavio sa mag-asawang sina Aiai at Gerald.