
Ipinahayag ni Robin Padilla ang kanyang suporta para sa love team ng dati niyang leading lady na si Sharon Cuneta at ang dating asawa nito na si Gabby Concepcion.
Muling ibinahagi ng action star ang litrato ni Sharon at Gabby.
Aniya, “Hindi ko inilihim sa inyo na solid akong tagahanga ni Sharon-Gabby kaya’t dasal ko ang kagyat na paggawa nilang dalawa ng pelikula.”
Hindi tago sa publiko na muntik nang pakasalan ni Sharon si Robin kung hindi lamang ito nakabuntis noon.