What's Hot

WATCH: Addy Raj, unang beses tumikim ng dinuguan

By Marah Ruiz
Published February 22, 2018 1:37 PM PHT
Updated February 22, 2018 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lawmakers flag P6.7 trillion 2026 budget over 'giniling pork'
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang naging reaksyon ng Kapuso hunk na si Addy Raj matapos kumain ng Dinuguan for the first time.

Isa si Kapuso actor Addy Raj sa mga panelists ng programang PopTalk noong nag-review sila ng ilang Filipino restaurants with a twist.

Lubos niyang nagustuhan niya ang laing at kaldereta. Bukod dito, nasubukan din niya ang iba't ibang hain ng sinigang, tokwa at mga dessert tulad ng suman at maja blanca.

Pero tila nag-alangan si Addy sa pagkain ng dinuguan. 

"I would have appreciated it so much kung hindi ko alam na dugo 'to," aniya.

"I'm surprised. Who eats blood?" dagdag pa niya.

Ang partikular na dinuguan dish na ito ay inihanda sa style ng fondue. Para makain ito, isasawsaw niya sa dinuguan ang nakahandang puto at crispy pork.

"Unang tingin ko, akala ko parang chocolate sauce or something like that," sambit ni Addy.

Panoorin ang unang tikim ni Addy sa dinuguan sa feature na ito ng PopTalk: