What's Hot

WATCH: Julie Anne San Jose, ready na makatrabaho ang mga bago niyang leading man sa musical/romcom series

By Aedrianne Acar
Published March 2, 2018 11:43 AM PHT
Updated March 2, 2018 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: Marcos will have working Christmas holidays
Fr. Gianluigi Colombo, founder of Amici Philippines, passes away
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Ano-ano ang mga pinaghahandaan ng Asia's Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose? Alamin!

Tapos na ang matagal na paghihintay ng mga fans ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose, dahil magbabalik soap na ang magaling na singer soon!

Julie Anne San Jose to star in a romcom series

Bibida si Julie sa bagong Kapuso romcom/musical series na My Guitar Princess ng GMA News and Public Affairs. Tiyak itong kakikiligin at kapupulutan ng magandang aral dahil tatalakayin nito ang relasyon ng isang mag-ina. Idagdag pa na dalawang guwapong hunks ang magiging bagong leading men ni Julie Anne na sina Gil Cuerva at Kiko Estrada.

“Light siya, romcom siya, and I am excited kasi mga bago po ‘yung makakatrabaho ko,” pahayag ni aktres sa kanyang interview sa Chika Minute.

Busy din sa paghahanda ang Kapuso singer para sa “3 Stars, 1 Heart” concert sa Dagupan, Pangasinan kung saan kasama niya ang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.

Pag-amin ni Julie, kinikilig pa rin daw siya sa tuwng makaka-duet ang Asia’s Songbird. “Sino ba ang hindi kikiligin kapag ka-duet ang ating Songbird [Regine Velasquez-Alcasid], at saka parang palaging bago ‘yung feel. Parang palagi ka pa rin na sa-starstruck kasama si Ate Reg.”

Panoorin ang buong interview dito: