
Viral ngayon ang behind-the-scenes photos ng Legaspi family sa isang TVC shoot.
Marami kasi ang pumuna sa magandang lahi ng pamilya. Dahil dito, ginawa pang katuwaan ang mga larawan.
Kilala ang Legaspi family sa pag-eendorso ng isang ice cream brand kaya naman ang ilang netizens, tila nagdadalamhati dahil hindi raw nila nakuha ang genes ng pamilya kahit na lagi silang kumakain ng ice cream. Ang ilan, nagkomento pa na papasa raw sila maging bampira dahil tila hindi raw tumatanda sina Carmina at Zoren.
Narito ang mga larawan:
Heto naman ang comments ng netizens sa napakagandang pamilya nina Zoren at Carmina.