
Sa opening ng longest-running noontime program ng bansa na 'Eat Bulaga,' kinanta ng mga Dabarkads ang iconic song na 'Mga Kababayan' ng nag-iisang Master Rapper na si Francis Magalona
"Dabarkads Kiko, nine years ka na namin namimiss," ayon kay Allan K.
Dagdag naman ni Pia Guanio, "Ang show na ito Kiko ay para sa iyo. We miss you!"
Samantala, nagpost naman ang panganay na anak ni Francis na si Maxene Magalona ng ilang photos sa Instagram upang alalahanin ang 9th death anniversary ng kanyang ama.
Pumanaw si Francis noong March 6, 2009 dahil sa sakit na acute myeloid leukemia.