
Pagkatapos ng ilang usap-usapan tungkol sa kanilang relasyon ay kinumpirma na ni KC Concepcion ang paghihiwalay nila ni Aly Borromeo.
KC Concepcion at Aly Borromeo, hiwalay na?
Ayon sa post ni KC ay kahit na naghiwalay na sila ng football player ay hindi siya magsasarado ng kanyang puso sa posibilidad na baka maging sila ulit. Aniya, “If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then. Timing is everything."
Inamin naman ni KC na siya ay susuporta pa rin kay Aly kahit na siya ay magmu-move on na sa kanilang relasyon.
“As for me, I’ve decided to fully support him at the same time move on and spread my wings. @alybor11,” saad niya.
Mahigit dalawang taon na ang nakalipas nang i-reveal ng dalawa na sila ay nagde-date.