Showbiz News

LOOK: Dingdong Dantes, first time na nag-shoot ng pelikula sa ibang bansa

By Michelle Caligan

Pauwi mula Japan ngayon, March 10, si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes pagkatapos mag-shoot ng ilang eksena para sa pelikula nila ni Anne Curtis na Sid and Aya (Not a Love Story).

IN PHOTOS: Dingdong Dantes and Anne Curtis in Japan for a movie

Sa Instagram post ni Dong, ikinuwento niya na ito ang unang pelikula niya na kinunan sa labas ng Pilipinas.

"In my 20 years in the entertainment industry, ngayon lang ako nakapag-shoot ng movie sa ibang bansa. I am lucky to have worked with this efficient, ingenious and talented skeletal 20 (plus)-man team of Sid and Aya. Ibang klase talaga ang Pinoy," aniya sa caption.

 

Bukod sa showbiz commitments, abala din ang aktor sa pagiigng estudyante sa UP Open University.