What's Hot

EJ Laure, nagsalita tungkol sa balitang ipinagbubuntis niya ang anak ni Bugoy Cariño

By Maine Aquino
Published March 11, 2018 4:26 PM PHT
Updated March 11, 2018 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Caprice Cayetano fails to advance in gift of immunity challenge
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Sinagot na ng volleyball player na si Ennajie "EJ" Laure ang usap-usapan na ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Bugoy Cariño.

Sinagot na ng volleyball player na si Ennajie "EJ" Laure ang usap-usapan na ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Bugoy Cariño.

Nilinaw ng dating team captain ng UST Golden Tigresses na walang katotohanan ang nasabing issue.

Ipinaliwanag ni EJ na walang katotohanan ang balita na siya ay nagdadalang-tao na nagsimulang kumalat ilang buwan na ang nakakalipas. Aniya, "Ewan ko ba kasi talaga sa trip nyo. Basta ako i've been enjoying my life and resting my shoulder for S81 been living nice and simple then makakabasa ako ng kung ano-ano?  just to end everything " wala akong control sa isip nyo kasi may kanya-kanya tayo" godbless nalang."

 

 

 

?Happy birthday idol @hashtag_bugoy ???????? hope you would enjoy your day. Wish you all the best! ?????????

A post shared by Ennajie Laure (@ennajielaure) on

 

 

Nagbiro rin si EJ dahil ilang buwan nang kumakalat ang balita na siya ay nagbubuntis. Saad niya, "Ps: december buntis daw ako tapos january buntis din ako tas march buntis nanaman? Jusko 3 months na kong naging buntis so triplets pala to?"