What's Hot

WATCH: Ano'ng tinatagong sikreto ni Jak Roberto sa kanyang sasakyan?

By Bea Rodriguez
Published March 12, 2018 2:39 PM PHT
Updated March 12, 2018 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

September Christmas in PH? Partly due to mall culture, Jose Mari Chan, says experts
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Ipinasilip ni Jak sa 'Unang Hirit' ang kanyang dream car. 
 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

 

Ipinasilip ng Kapuso star na si Jak Roberto sa Unang Hirit ang katas ng kanyang pagiging Pambansang Abs.

Kung hindi kami nagkakamali, ang kanyang black Ford Ranger Wildtrak ang pangalawang sasakyan na naipundar ng aktor mula nang pumasok siya sa showbiz.

Kung dati ay namumroblema pa si Jak kung paano bayaran ang kanyang pinakaunang puhunan, noong nakaraang taon ay nabili na niya ang kanyang dream car bilang Christmas gift sa kanyang sarili.

“Ito talaga ‘yung dream car ko ever since. Sabi ko, ‘pag magkakaroon ako ng sasakyan, gusto ko pickup na black, and ito na iyon. Binili ko siya bago natapos ang taon last year at ang pinakamalayong natakbo niya pa lang ay sa Tagaytay,” kuwento ng tinataguriang Abs ng Bayan.

Ayon din sa aktor, ang kanyang sasakyan ay parang pangalawa niya nang bahay, “Dito ako natutulog ‘pag wala pang tent [sa set], dito ako nagbabasa ng script [at] dito ako nagre-record ng [voice-over] ‘pag kailangan i-send kaagad.”

Ano kaya ang mga car essentials ng Contessa star? Alamin ang tinatagong sikreto ng Kapuso star sa loob ng kanyang sasakyan.