FIRST LOOK: Aicelle Santos prepares for Miss Saigon's UK tour
Published March 14, 2018, 12:07 PM
Updated March 14, 2018, 07:18 PM
Naghahanda na ang Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos para sa kanyang pagganap bilang Gigi Van Tranh sa UK tour ng Miss Saigon.
Bago pa man lumipad papuntang UK, nakasama niya sa rehearsal ang choreographer at dating Filipino cast member ng Miss Saigon na si Arnold Trinidad.
Isang malaking hamon para kay Aicelle ang pagganap sa coveted role dahil kailangan niya ring magsuot ng bikini rito.
"Physically I need to prepare dahil kailangan nating magsuot ng sexy doon. I need to watch Miss Saigon, and kailangan ko siguro manghingi ng payo mula sa aking nanay at tatay, Isay and Robert Seña," saad niya sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
Video courtesy of GMA News