What's Hot

Ex Battalion, bagong brand ambassadors ng isang sikat na clothing brand

By Gabby Reyes Libarios
Published March 15, 2018 5:05 PM PHT
Updated March 15, 2018 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries at 57; majority of victims aged 19 and below —DOH
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law
Marian Rivera's family is in designer outfits for their Christmas photoshoot

Article Inside Page


Showbiz News



Proud “Mamager” si Aiai Delas Alas dahil brand ambassadors na ang kanyang mga alaga na Ex Battalion

 

 

Naka-iskor ng isang malaking endorsement deal ang Ex Battalion, ang six-member hiphop group na sumikat dahil sa kanilang viral music video na "Hayaan Mo Sila."

Sa isang media conference ngayong March 15 sa Ai Sarap sa Quezon City, masayang ibinahagi ng kanilang manager na si Aiai Delas Alas sa GMANetwork.com na ang kanyang mga alaga ay bagong "brand ambassadors" na ng RRJ.

"Ayun, tumawag sa akin ang RRJ dahil gusto nila kunin sila as brand ambassadors," kuwento ni Aiai, o "Mamager" kung tawagin siya ng mga miyembro ng Ex Battalion.

Hindi naman nagtataka si Aiai na may isang malaking clothing brand na nagka-interes sa kanyang bagong talents.

"Unang-una, ano sila e, social media influencers. Marami silang fans na bata lalo. Ang apparel nila [RRJ] pang-bata din e, may hip-hopper, may pang-bagets. Hindi na rin sila mag-iisip ng isusuot nila. With RRJ naman, makakatulong din naman sa kanilang sales dahil sa popularity of Ex Battalion. Papalo 'yan."

Na-i-share din ni Aiai ang dahilan kung bakit di siya nagdalawang-isip na um-oo sa offer ng clothing brand. "Kasi no'ng araw binibigyan din nila ako ng T-shirts, no'ng nasa noontime show pa ako," kuwento ni Aiai. 

"Without asking them, pinapadalhan nila ako ng bata-batalyong T-shirt kaya hindi ako namomroblema no'n pa."

Nais lang daw ni Aiai na ibalik ang magandang ipinakita sa kanya ng brand noon pa man. "Gano'n naman 'di ba? 'Yung mga tumulong sa 'yo no'n, siyempre maaalala mo 'yon, di mo sila makakalimutan."

Bukod sa billboards and online videos, maglalabas din ang Ex Battalion ng kanilang mga limited designs para sa bagong brand.

Dagdag ni Aiai: "Meron din konting tours sa stores. Lahat ng billboards nila ida-down. Lahat 'yon papalitan ng Ex Battalion. At saka apparel nila, may percentage ang Ex Battalion. May line talaga ng apparel silang gagawin."

Bagamat di niya sinabi ang eksaktong halaga ng two-year endorsement deal, ibinulong ni Aiai na maganda ang rate na nakuha niya para sa kanyang bagitong talents. "Nakuhanan ko naman sila ng seven digits."

Malaki naman ang  pasasalamat ng Ex Battalion sa kanilang "Mamager." 

Ayon kay King Badger, o Jon Gutierrez in real life, malaking karangalan ang makatrabaho ang isang personalidad na katulad ni Aiai. "Overwhelmed kami na siya ang nagma-manage sa amin. Napakasaya't napakaswerte namin dahil napakabait niya, kind-hearted. Halos hindi na nga siya makatulog para lang sa amin.

"Tinuruan po kami na maging humble. At ayaw na ayaw niya kaming nalele-late. At kailangan naming batiin everyone, kahit sino pa man 'yan."

Sumegunda naman si Marky Maglasang, ang rapper na mas kilala sa pangalang Bosx1ne. 

"Napakabait po niya. Sobra. Dami po namin natututunan. Grabe minsan sumasakit na ang ulo niya, siyempre iba-iba kami ng personality e, pero, ano, okey lang sa kanya."