
Matagal nang usap-usapan sa social media na may anak na ang IT girl at celebrity stylist na si Liz Uy. Sangkot din diumano siya bilang third party sa hiwalayan ng isang doktora at asawa nitong businessman subalit nanatiling tikom ang kanyang bibig tungkol dito.
Ngayong araw, March 16, ipinost niya sa kanyang Instagram account ang kanyang larawan kasama ang isang baby boy na pinangalanan niyang Xavi.
Nagbigay ng spekulasyon ang ilang netizens na anak ito ni Liz pero hindi pa niya ito kinukumpirma.