LOOK: Aicelle Santos, nag-practice ng Gigi Van Tranh moves kay Mark Zambrano
Published March 18, 2018, 07:14 PM
Sa pagganap ni Aicelle Santos ng karakter na Gigi sa Miss Saigon ay kailangan niyang matutunan ang ilang sexy dance moves.
Ipinakita ng bagong Gigi Van Tranh kung paano siya nagpatulong sa kanyang fiancé na si Mark Zambrano sa paghahanda. Ani ni Aicelle, "Pwede bang ikaw na lang lagi ang sasayawan ko doon mahal ko @markzambrano?"
Nagpasalamat rin si Aicelle sa kanyang teacher sa dedikasyon sa pagtuturo sa kanya para isabuhay si Gigi on stage.
"Shout-out to my awesome dance teacher, Arnold Trinidad!"
Marami naman ang naaliw sa naging reaksyon ng mukha ni Mark sa post ni Aicelle.