What's Hot

WATCH: Alamin ang kuwento sa likod ng 'doble' na pangalan ni Bernardo Bernardo

By Marah Ruiz
Published March 19, 2018 3:36 PM PHT
Updated March 19, 2018 3:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte: Let’s build a more compassionate PH
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang kuwento ni Bernardo Bernardo sa 'Tunay na Buhay.'

Ilang dekada rin na nagbigay ng saya bilang aktor at direktor si Bernardo Bernardo bago siya pumanaw dahil sa sakit na pancreatic cancer. 

Bukod sa kanyang trabaho sa telebisyon, pelikula at teatro, nagsilbi rin siya bilang program director for theater arts sa Meridian International College (MINT College).

Ibinahagi naman ng kanyang kapatid na si Rosalinda "Baby" Bernardo ang ilang mga alaala niya sa kanyang kuya. 

"[He's] a very intelligent kid. You will notice he's not a normal kid. You can see already the possibility that there's something good that will go on later," pahayag niya. 

Simula pa sa murang edad, hilig din daw ni Bernardo na kumanta at sumayaw. 

"Looking back, na-realize ko, nandoon na pala 'yung sign that he will be an entertainer," aniya. 

Ibinahagi rin ni Baby na si Bernardo ang paboritong anak ng kanilang ina. 

"Mahal na mahal 'yan ng mother ko. [He's the] apple of her eye, favorite niya. I don't know, for one reason or another. I guess he looks like my dad, my father. 'Yung parang child of love, siya ang nangyari," paliwanag nito. 

Ang pagmamahal na ito rin daw ang dahilan sa likod ng kakaibang pangalan ni Bernardo. 

"My mom was really in love with my father—sobrang pagmamahal na dinoble ang apilyido. His real name is supposed to be Emmanuel but on the last minute, my mom changed it to Bernardo Bernado. Obsessed sa father ko, ladies and gentlemen," natatawa niyang kuwento.  

March 8 nang pumanaw si Bernardo Bernardo sa edad na 78 years old. 

Panoorin ang feature sa kanya ng programang Tunay Na Buhay:

Video courtesy of GMA Public Affairs