What's Hot

Derrick Monasterio, hindi susuko hangga't di pa kasal si Barbie?

By Bianca Geli
Published March 21, 2018 1:35 PM PHT
Updated March 21, 2018 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Sa naganap na grand press con ng Almost a Love Story natanong ang lead stars na sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza kung kailan sila dapat sumuko na sa pag-ibig. Alamin ang kanilang sagot dito.
 

In case you didn't know. Baby I'm crazy bout you. I would be lying if I said that I could love this life without you.

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio) on

 

Sa naganap na grand press con ng Almost a Love Story natanong ang lead stars na sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza kung kailan sila dapat sumuko na sa pag-ibig.

Para kay Barbie, kapag marami na siyang “doubts” at open na ulit sa panibagong pag-ibig, handa na siyang mag-let go. “Sa’kin kasi, parang malinaw na senyales na ‘pag mahal mo pa, ipaglaban mo. Pero ‘pag feeling mo, may doubt ka na sa sarili mo na puwede namang hindi, may iba naman, ‘yung ganun. 'Pag naging open ka na sa iba, stop na, huwag mo nang ipilit.”

Iba naman si Derrick, na hindi madaling panghinaan ng loob.

Aniya, “Siguro kapag may iba na siya, doon mo ili-let go of course, as long as hindi pa asawa, okay pa. ‘Pag nagpakasal na, siyempre huwag na.

Singit naman ni Barbie, “So may pinaparinggan ka ba?”

Diin naman ng dalawa, tanggap naman nilang mas okay ang trabaho at pagkakaibigan nila dahil hindi naging sila. Ayon kay Barbie, “Ang dami nang dumaan, tapos si Derrick lagi pa ring nandiyan. Feeling ko good decision naman na naging almost a love story na lang kami.”

READ: Barbie Forteza at Derrick Monasterio, umamin kung bakit hindi naging sila