
Sina Joshua Bulot, Bryan Del Rosario, and Kim Lawrenz Ordonio o mas kilala bilang JBK ay inanunsyong proud sila to be Kapuso nang ipinakilala sila bilang bagong talents ng GMA Artist Center.
Ayon sa millennial trio, masayang masaya sila sa pagkakataon na magbahagi ng kanilang talento sa GMA Network. Ipinaliwanag rin ng tatlo sa ginanap na meet and greet ng mga bagong GMA Artist Center talents na sa apat ng taon nilang pagpi-perform ay masasabi na nila ngayon na sila ay proud to be Kapuso.
https://www.instagram.com/p/Bfz6YGlBbg5/?hl=en&taken-by=joshua_jbk
Ani Joshua, "Thank you for this awesome opportunity and after four years na tumutugtog at kumakanta, this is a wonderful blessing for our group and we're forever grateful to GMA for this opportunity, so thank you guys."
Unang sumikat ang JBK nang sila ay nagpakita ng kanilang world-class voices sa The X Factor UK.
Sunod nilang ipinahayag ang kanilang tuwa at pasasalamat sa warm welcome na kanilang natanggap mula sa mga Kapuso na kanilang nakakasalamuha.
"Guys, gusto lang naming sabihin na maraming maraming salamat and masaya kami dito sa Kapuso. From the guards, to the staff to the bosses sobrang bait nila and approachable."