What's Hot

EXCLUSIVE: That's My Bae, ibinahagi ang sikreto ng kanilang matagumpay na career

By Cherry Sun
Published March 23, 2018 1:25 PM PHT
Updated April 4, 2018 6:50 PM PHT

Around GMA

Article Inside Page


Showbiz News



Paano nga ba napapanatili ng That's My Bae members ang kanilang maayos at matibay na samahan?

Malapit nang magtatlong taon ang samahan nina Kenneth Medrano, Kim Last, Miggy Tolentino, Tommy Peñaflor, Jon Timmons at Joel Palencia bilang That’s My Bae. At kahit lumipas man ang panahon, nanatiling matatag ang kanilang grupo kaya naman hindi rin kumupas ang kanilang magandang career.

Ibinahagi ng ilang members ng That’s My Bae sa exclusive interview ng GMANetwork.com ang sikreto sa likod ng kanilang tagumpay.

Sabi ni Tommy, “Sa dami po ng pinagdaanan namin parang ‘di ba minsan pag na-bad trip ‘yung isa, maba-bad trip na ‘yung lahat. Hindi. Kapag na-bad trip ‘yung isa, parang tatawanan na lang kasi magkakakilala na po talaga kami. Parang family na talaga ‘yung turingan namin sa isa’t isa.”

Sang-ayon din si Kim na nagsabing mahalaga ang communication sa kanilang grupo.

Kuwento niya, “Noon nung bago pa kami, ‘Sige, hayaan natin,’ tapos medyo we just let it pass. Pero ngayon, naging mature kami. Open forum, hindi lang pag may problema. Parang kahit may konting correction lang, ‘Hey bro, parang off ‘yung ginagawa mo.’ Straight  to the point po kami sa isa’t isa.”

“Para sa akin ang isa sa pinakamahalaga is chemistry, hindi lang sa harap ng camera pero sa… Malalaman niya kung may chemistry talaga ‘yung dalawang tao… ’yung grupo ng That’s My Bae, nakikita nila ‘yung chemistry namin dahil sobrang makulit kami,” patuloy niya.  

Para naman kay Miggy, nakatulong sa kanilang grupo ang pagiging tunay nila sa kanilang sarili.

“Kasi po mahilig kami na maging natural kami. Wala po kaming paki[alam] sa iisipin ng ibang tao. [Iniisip po namin] ‘yung safety rin po ng sasabihin namin pero ‘yung pinakamahalaga po doon, ‘yung pagiging totoo po namin kung nasaan man kami,” paliwanag niya.

Hindi raw inakala ng That’s My Bae na magtatagal sila sa industriya. Hindi raw sila nagkakasawaan at masaya raw sila sa itinatakbo ng kanilang career.  Suportado rin nila ang isa’t isa kung mayroon man silang magkakahiwalay na proyekto.

Wika ni Kenneth, “As a group po talaga, ganun po kasi ‘yung sinimulan namin. Umpisa palang kami, parang sabi namin na ‘Gusto niyo maging successful sa taas, hindi pwedeng maiwan ‘yung isa. Hanggang ngayon po, ganun pa rin ‘yung goal namin na tinutulungan pa rin namin ‘yung bawat isa sa amin.”

Ang That’s My Bae ay patuloy pa rin na nagpapakilig sa Eat Bulaga Lunes hanggang Sabado. Ngayong Semana Santa, magpapakitang-gilas naman sila sa pag-arte sa Lenten Special na handog ng longest-running noontime show.

Sa Lunes, March 26, mapapanood sina Kenneth, Kim at Tommy sa ‘My Carinderia Girl' kasama si Ruby Rodriguez. Sina Joel at Jon naman ang magkasama sa ‘Pamilya' na mapapanood sa Martes, March 27. Samantala, gaganap si Miggy bilang anak ni Wally Bayola sa ‘Hating Kapatid’ na mapapanood sa Miyerkules, March 28.