
Tumanggap ng negative comments ang Kapuso star na si Luane Dy kamakailan lamang sa kanyang social media account. Ayon sa ilang comments sa kanyang Instagram account ay hindi nila nagugustuhan ang pananamit ng Kapuso news anchor at Eat Bulaga host.
Hindi na napigilan ng kanyang boyfriend na si Carlo Gonzalez na ipagtanggol siya laban sa natatanggap na online bullying. Kaya naman agad itong sumagot sa mga negatibong komento na iniwan sa account ni Luane.
Ilang netizens rin ang nagbigay suporta kay Luane.
Sa huli ay nagpasalamat si Carlo sa mga nagbigay suporta kay Luane. Nagpasalamat naman si Luane kay Carlo dahil sa kanyang pagdepensa laban sa negative comments.