
Mas lalong pinainit ng Kapuso hunk na si Jak Roberto ang summer season nang mag-post ito ng kanyang topless photo sa Instagram.
Summer 2018: Topless photos ng mga sikat that broke the Internet
Ito ang paraan ni Jak para taos-pusong magpasalamat sa lahat ng kaniyang mga supporters matapos umabot ng mahigit sa 700,000 followers ang kaniyang Instagram account.
Bukod sa kanyang Instagram, makikita n'yo rin si Jak Roberto na umarte sa Kapuso afternoon drama na Contessa starring Glaiza de Castro. Mapapanood n'yo din siya makipagtagisan ng galing sa comedy sa longest-running gag show na Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi pagkatapos ng GMA Telebabad.