What's Hot

EXCLUSIVE: Wendell Ramos, balik-Kapuso na!

By Jansen Ramos
Published March 27, 2018 6:38 PM PHT
Updated March 27, 2018 9:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Oscars to stream exclusively on YouTube from 2029: Academy
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Muli nang mapapanood si Wendell Ramos sa GMA.

Blessed ang hunk aktor na si Wendell Ramos sa kanyang pagbabalik-Kapuso. Labing anim na taon din siyang napanood sa iba't ibang shows ng GMA at naging mainstay pa sa country's longest running gag show na Bubble Gang.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Wendell sa storycon ng bago niyang programa sa GMA, sinabi niyang masaya siya sa mainit na pagsalubong ng kanyang dating mga katrabaho.

"I feel so blessed na after a long time, I'm still welcome here. Makakatrabaho ko pa 'yung mga nakatrabaho ko dati. So, masarap lang sa pakiramdam. Wala akong masabi kung 'di I'm blessed," pahayag niya.

Nami-miss daw niya ang kanilang sketches sa Bubble Gang lalo na ang comedy group na Sexballs na kilala sa mga sexy production numbers. Siyempre, nilu-look forward din niyang mag-guest muli rito. "I'm looking foward to it. Siyempre, isang network tayo," saad niya.