
Isang water dragon ang dadayo sa isla ng Mako!
Pero tila hindi ito isang kaibigan dahil imbis na suwerte, kaguluhan pa ang dala nito.
Kasabay niyang darating ang Chinese mermaid na si Weilan (Linda Ngo).
Kaya naman hindi mapipigilan ng sirenang si Ondina (Isabel Durant) na maghinala sa kanya.
Salungat naman sa kanya si Mimmi (Allie Bertram) na malugod ang magiging pagtanggap sa dayong sirena.
Ano nga ba ang tunay na koneksiyon ni Weilan at ng dragon?
Alamin sa pangatlong season ng Mako Mermaids, simula April 2, 9:45 am sa GMA FantaSeries.