What's Hot

WATCH: Jamie Rivera, paano nakuha ang bansag na 'Inspirational Diva'

By Marah Ruiz
Published March 30, 2018 10:51 AM PHT
Updated March 30, 2018 10:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News



Sa panayam sa 'Tonight With Arnold Clavio,' nagkuwento ang beteranang singer kung paano siya binansagang "Inspirational Diva." Alamin 'yan dito.

Nagsimula ang beteranang singer na si Inspirational Diva Jamie Rivera sa pagkanta ng mga pop songs noong '90s.

Ilan sa mga kilalang kanta niya ang "I've Fallen For You" at "Hey, It's Me."

Bukod dito, minsan na rin siyang gumanap bilang Kim sa West End production ng musical na Miss Saigon.

Paano nga ba lumihis ang kanyang career mula sa pagiging pop singer patungo sa pagkanta ng mga religious at inspirational songs?

"Noong 1999, parang gusto ko nang mag-retire. Ang feeling ko my career is not going anywhere. Para bang gusto kong gumawa ng something else, 1999 'yun so 2000 'yung susunod na year, sabi ng brother ko, 'Jane, gusto mo bang kantahin 'yung Jubilee Song?'" kuwento niya.

Ang awit na ito daw ang bumago sa kanyang career at buhay.

"Nagulat ako, it turned around—my career turned around. Talagang nag-iba 'yung ihip ng career ko dahil biglang 'yung song alam mo nag six times platinum siya. Tapos lahat ng bata kilala ako," aniya. 

Nasundan pa ito ng iba pang offers para umawit ng mga inspirational songs kabilang na ang "Only Selfless Love" na awit para sa pagbisita ni Pope John Paul II para sa 4th World Meeting of Families, pati na ang Heal Our Land. 

Ayon kay Jamie, naaalala din daw niya kung sino ang nagbansag sa kanya ng Inspirational Diva.

"Si Ron Romulo, sa isa[ng] press conference namin sabing ganun, 'May title ka na dapat ngayon dahil puro inspirational songs. Dapat ang tawag sa 'yo the Inspirational Diva.' Sabi ko, 'Aba! Gusto ko 'yun ah! So from then on, dirediretso na 'yun," paliwanag niya.

Naiintindihan din daw niyang may kaakibat na mga responsibilidad ang bansag sa kanyang ito.

"Its an honor na binigyan ka ng ganoong title. Pero 'yung "Inspirational Diva" na 'yun may kalakip 'yun na responsibility. Saka may expectation sa mga tao na for you to be able to inspire a lot of people through your songs," ayon sa kanya. 

Panoorin ang buong interview kay Jamie sa programang Tonight With Arnold Clavio: