
Naging malaking usap-usapan ang ini-release na memoir ng singer na si Mark Bautista na "Beyond The Mark." Dito ikinuwento ni Mark ang kaniyang mga karanasan at isinapubliko na siya ay bisexual.
Sa Tunay na Buhay, nakapanayam ni Rhea Santos ang singer upang malaman kung ano ang nag-udyok kay Mark na isulat ang kaniyang libro.
Ayon kay Mark, nag-simula siyang magsulat nang tumira siya sa Seattle upang gumanap sa play na "Here Lies Love."
Aniya, "For some reason, confused ako that time. 'Nung in-offer sa'kin 'yung Seattle na show, may gusto akong gawin sa sarili ko, gusto ko mas i-accept ko pa 'yung sarili ko. So 'nung nag-Seattle ako, nag-decide ako na maging open sa cast mates ko."
Isa pa sa nag-udyok kay Mark ay ang itinuturing niyang "second life" pagkatapos niyang makaligtas mula sa pamamaril sa Seattle.
Panoorin ang Tunay na Buhay ni Mark below:
Maliban sa kaniyang libro, ikinuwento rin niya ang kaniyang karanasan nang sumali sa Star for a Night at sumabak din siya sa British accent challenge.