Showbiz News

LOOK: Docudramang pinagbidahan ni Alden Richards, wagi sa New York Festivals World's Best TV & Films

By Cherry Sun

Nakatanggap ng parangal si Alden Richards sa New York Festivals World’s Best TV & Films na naganap sa Las Vegas, Nevada para sa docudrama na Alaala: A Martial Law Special ng GMA Public Affairs.

Ang naturang palabas ang kinilalang best docudrama sa international competition, at si Alden mismo ang dumalo para tanggapin ang award.

Anang Pambansang Bae, “Thank you to the New York Festivals for this great recognition. Congratulations to Team Alaala for the win! To GOD be the glory!”

 

 

Sa Alaala: A Martial Law Special, naghandog si Alden ng kanyang natatanging pagganap sa buhay ng award-winning screenwriter na si Boni Ilagan noong idineklara ang Batas Militar sa bansa.