
Lumipat ba ng GMA Network ang bagong Kapuso na si John Estrada para bantayan ang anak na si Inah de Belen at ang boyfriend nitong si Jake Vargas?
Sa 7 interesting facts ng Unang Hirit, ni-reveal ni John sa programa na tila mixed emotions daw ang naramdaman ng kanyang baby girl sa paglipat nito sa kinabibilangang network.
Patawang kuwento ng hunk actor, “I think ‘yung anak ko [ay] masaya at matatakot siya na nandito na ako dahil may magbabantay sa kanya at sa boyfriend niya. Jake daw ang pangalan nun eh.”
Gusto n'yo bang malaman ang iba pang nakakatuwang bagay tungkol sa aktor? Panoorin ang report ni Suzi Abrera.
Video courtesy of GMA News