
Bumisita sina Day Off hosts Ken Chan at Maey Bautista sa isang kuwadra sa Cavite para bigyan ng bakasyon ang horse exercise rider na si Leo Vasquez Jr.
Isa sa mga trabaho ng isang horse exercise rider ang i-exercise ang mga kabayo sa pamamagitan ng pagsakay dito paikot sa race track kaya ito ang isa sa mga magiging challenges para kina Ken at Maey.
Swabeng nakasakay si Ken sa kabayo, habang kinailangan naman ni Maey ng tulong mula sa ilang kalalakihan para makasakay dito.
Sa isang punto, nahulog pa nga siya mula sa kabayo, pero pinalad na di naman nasaktan. Matapos ang ilang pagsubok, nakasakay din siya sa kabayo.
Mas mataas kasi ang mga race horses kaysa sa mga kabayong kadalasan pwedeng sakyan sa mga popular na tourist destinations sa Pilipinas.
Sa tulong ng iba pang horse exercise riders, naiikot din nina Ken at Maey ang mga kabayo sa track.
Panoorin ang kanilang experience sa programang Day Off: