What's Hot

WATCH: Tekla at Donita Nose, nag-debate on air!

By Marah Ruiz
Published May 22, 2018 3:29 PM PHT
Updated May 22, 2018 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Ano nga ba ang pinagtalunan ng dalawa? Panoorin!

Mas pipiliin mo ba ang taong guwapo pero walang sense of humor o ang taong 'di biniyayaan sa looks department pero funny naman?

Ito ang pinagdebatehan nina Kapuso comedian Tekla at Donita Nose sa programang Tonight With Arnold Clavio. 

Si Donita Nose ang naatasang dumipensa sa mga pogi pero hindi nakakatawa. 

"Tekla, alam mo naman 'yan, sa itsura mong 'yan puro pang-aapi ang aabutin mo. 'Di ba? Alam mo naman 'yan 'di ba? Noon pa lang 'di ba? Tulog ka sa inyo pero napagkakamalan kang ikaw ang magnanakaw," ani Donita Nose. 

May sagot naman si Tekla, na naatasang depensahan ang mga hindi kagwapuhan pero may sense of humor. 

"Donita, maganda ka, [pero] mayabang ka. Nang-aaway ka sa mga pangit. Huwag mong inaapi 'yung mga pangit. Pangit kapag puro magaganda, nakakaumay. Isipin mo, lahat ng tao maganda. Magpapansinan kayo? hindi! May pangit, papansinin mo kasi naiba ka!" sagot ni Tekla.

Panoorin ang kanilang nakakaaliw na debate sa clip na ito mula sa Tonight With Arnold Clavio: 

Video from GMA Public Affairs