
Marami ang nalungkot nang mabalitaan na pansamantalang naghiwalay ang top Kapuso love team na GabRu na binubuo nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid. Gayunpaman, malaki pa rin ang pasasalamat ni Gabbi sa mga fans na patuloy ang suporta sa kanila.
Dumagsa naman ang positive messages para kay Gabbi sa Twitter.
Kasalukuyang busy ang dalawa sa kanilang individual projects at ayon sa GMA Artist Center, ito raw ay para humusay pa sina Gabbi at Ruru bilang mga artists.