
Marami ang kinilig sa nag-viral na prom photo ng dalawang high school students, sina Chris at Lorraine. Kaya naman nakaabot sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang litratong ito.
February 14, 2018 ang araw ng senior high school prom ng campus heartthrob na si Chris. Naisayaw na niya ang lahat ng kaniyang mga kaibigang babae, pero hindi hinayaan ni Chris na matapos ang gabi nang hindi naisasayaw ang babaeng nakakuha ng kaniyang pansin.
Kuwento ni Chris, “I saw this girl, sitting away from the dance floor… I knew for a fact, that there’s a problem. And I also knew, that I am meant to do something.”
Ang babaeng tinutukoy niya ay ang tahimik at mapag-isang si Lorraine na laging nabu-bully ng mga kaklase.
Ayon kay Lorraine, nagdalawang isip na siyang pumunta pa sa kanilang senior prom. “Wala po akong masusuot na damit, wala rin pong budget.”
Hindi rin niya maialis ang hiya na baka wala siyang makasayaw. “Parang feeling ko wala pong sasayaw sa ’kin.”
Kaya laking gulat niya nang yayain siya ni Chris na makasayaw para sa last dance.
Na-inspire at kinilig ang mga netizens sa kanilang prom moment. Nakabuti rin ang pagiging maginoo ni Chris kay Lorraine. Aniya, “Ikinatuwa ko po kasi naging mas light na po ‘yung atmosphere rito sa school para kay Lorraine.”
Umpisa na kaya ito ng mas malalim na pagkakaibigan?
Panoorin ang buong istorya sa likod ng trending na larawan ng high school “bae” at ng kaniyang “loner beauty” sa KMJS:
Video courtesy of GMA Public Affairs