
Kamakailan lang ay nag-post si Katrina Halili ng kaniyang first ever magazine cover sa tanyag na men's magazine na FHM.
Aniya, "My first magazine cover 12 years ago. Hello my younger self, looking back (I'm back) sa dami ng pinagdaanan natin, happy ako kung ano tayo ngaun, stronger and wiser."
Habang nag-re-reminisce ay pinasalamatan ng sexy Kapuso actress ang kaniyang younger self para sa pagpapakatatag nito sa kabila ng kontrobersiyang kaniyang kinaharap.
"Thank you my younger self for reminding me how resilient we are, to be the better version of myself," pagsulat ni Katrina.