What's on TV

Dingdong Dantes, bibida sa bagong Kapuso infotainment show na 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published June 5, 2018 5:07 PM PHT
Updated June 13, 2018 3:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daughters of King Charles’ brother Andrew join royals for Christmas service
Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Maglakbay, mag-enjoy at matuto kasama si Dingdong Dantes sa pagtuklas ng ganda ng ating mundo sa Amazing Earth tuwing Linggo simula ngayong June 17.

Ipapakita ni Dingdong Dantes ang ganda ng ating mundo sa isang bagong infotainment program na handog ng GMA Network. 

Sa darating na June 17, si Dingdong ay magbabahagi ng iba't ibang kuwento ng ating mundo sa Amazing Earth. Ang Amazing Earth featuring BBC's Planet Earth II, ay ang bagong infotainment show na mapapanood sa Kapuso Network tuwing Linggo. Kinilala ang Planet Earth II sa Emmy Awards bilang Outstanding Documentary or Non-Fiction series. 

Halos anim na taon ang ibinuno ng BBC para i-shoot ang Planet Earth II sa 40 bansa at nagkahalaga ng mahigit 1.3 billion pesos. Pinag-usapan din ang naturang wildlife documentary dahil sa paggamit nito ng pinakabagong teknolohiya tulad ng ultra-high definition cameras, remote recording, and aerial drone technology para matutukan at ma-highlight ang mga featured amazing life stories mula sa animal kingdom.  

Bibigyang tinig ni Dingdong ang Philippine presentation ng Planet Earth II sa Amazing Earth. Isasama niya rin tayo sa ilang outdoor adventures sa mga isla, bundok, karagatan at kagubatan ng Pilipinas para ipakilala sa ilang nakamamanghang hayop dito sa bansa. Tutulungan niya rin ang mga manonood na matuto kung paano mapangangalagaan ang ating kalikasan. 

Maglakbay, mag-enjoy at matuto kasama si Dingdong Dantes sa pagtuklas ng ganda ng ating planeta sa Amazing Earth tuwing Linggo simula ngayong June 17.