What's Hot

WATCH: Gretchen Barretto, ipagpapatuloy pa ba ang "Pay-It-Forward" program sa social media?

By Bea Rodriguez
Published June 10, 2018 7:15 PM PHT
Updated June 10, 2018 7:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Clippers post biggest winning margin of season vs. Kings
Dingdong Dantes looks back on 11 years of marriage to Marian Rivera
#PlayItBack: The GMA Playlist Year-ender Special

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong naging kontrobersyal ang charity program ni Gretchen sa Instagram, tanong ng karamihan, ipagpapatuloy pa ba niya ito?

Sa Instagram nagsimula ang broadcasted charity program ng aktres na si Gretchen Barretto. Sa pamamagitan ng Instagram, tinutupad ni Greta at ng kanyang socialite friends na sina Mimi Que at Patty Pineda ang mga hiling ng kanilang followers.

Depensa ni Gretchen kung bakit nila pino-post ang kanilang charity works, “Dahil dito rin po nanggaling sa Instagram ‘yung mga “wishers,” hindi ko sasabihin mga humihingi. They are wishers [na] followers ko po sa Instagram na gina-grant namin.”

Ito ang paraan ng aktres para “mag-give back” at kumonekta sa “real world.” Marami man ang bumabatikos kay Greta dahil sa kanyang kinahaharap na isyu ngayon, magpapatuloy pa rin siya sa kanyang “Pay-It-Forward” program.

WATCH: Gretchen Barretto, nag-issue ng public apology via Instagram live video

“I know a lot of people want me to quit helping and all that. Kung ako ang tatanungin niyo, I won’t quit. [My friends] are the ones doing the arranging of everything, [and] I don’t know if they will continue to help me. Arranging isn’t really my forte, ang alam ko lang po [ay] mag-grant.”

Sang-ayon ang aktres sa mga bumabatikos sa kanya kaya ipagpapatuloy na lamang niya ang pag-grant ng requests sa pribadong pamamaraan. Nagpasalamat pa siya sa mga umintindi sa kanya, pati sa mga bashers na sumisira sa kanya.

“We learned a lot in the past few days. I know that I have a lot of growing up to do, I know I have been a lot careless, [and] very reckless in my ways. I am flawed, I am willing to learn, I am willing to get hurt, [and] I am glad we are going through this trial because it is only through this kind of situation that we grow,” pagtatapos niya.

Video from Pinoy Showbiz Latest's YouTube channel