What's Hot

WATCH: Ang paghahanap sa tunay na ina ni Ryan Mendoza

Published June 14, 2018 3:25 PM PHT
Updated June 14, 2018 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang paghahanap ng isang OFW sa inang nagbenta sa kanya sa halagang P3,000 noon.

Sanggol pa lamang si Ryan Mendoza nang ibinenta raw siya ng kaniyang tunay na ina na kilala lamang niya sa pangalang Gina Molina. Sa halagang 3000 piso, ibinenta raw si Ryan ng kanyang tunay na ina na hindi niya pa nakikilala.

Ngayon, isa na siyang OFW sa Italy na nagbalik-bansa upang hanapin ang kaniyang tunay na ina.

Kuwento ni Ryan sa Kapuso Mo, Jessica Soho, “Yung tatay kong sundalo nabuntis ‘yung nanay ko. Pinaampon ako ‘dun sa matandang nagtitinda ng isda. ‘Yung matanda raw sa sobrang hirap, naipasa ako kay Tiya Auring sa Cabanatuan. Si Tiya Auring, suki ng nanay ko sa RTW.”

Ang mensahe ni Ryan sa kaniyang nawawalang ina, “Kung mahanap ko po kayo, mahal na mahal ko po kayo."

Ang una niyang nahanap, ang possible niyang ama, si Mang Dominador, ngunit hindi nag-match ang kanilang DNA test. Ganunpaman, ituturing daw nila ang isa’t isa na tunay na mag-ama.

Ang paghahanap naman ng kaniyang tunay na ina ang sinubaybayan ng mga Kapuso. May ilan nang lumabas at nagpakilalang tunay niyang ina.

Kasama na rito si Gina Castillo, na unang itinaggi na nagpa-ampon siya ng anak, ngunit nagbago ang pahayag ng mapanood ang video ni Ryan, nakaramdam daw siya ng lukso ng dugo. Isa ring lumabas na ina raw ni Ryan ay si Maritess Tolentino, ang tanging nakakakilala kay Aling Toyang na nagsilbing “middle man” sa pagpapaampon kay Ryan.

Ipina-DNA test sina Ryan, at ang dalawang ginang na maaring tunay niyang ina.

Ano kaya ang resulta ng DNA test ni Ryan? Panoorin sa KMJS:

Part one:

Kapuso Mo, Jessica Soho: Nasaan ang tunay na ina ni Ryan Mendoza?

Part two:

Kapuso Mo, Jessica Soho: Ang dalawang nagpapakilalang ina ni Ryan Mendoza