
Up and coming fitspiration ngayon ang Kapuso actress na si Manilyn Reynes.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras ay todo workout ngayon si Manilyn para ma-achieve ang fit and healthy na pangangatawan. Isang buwan na ngayong nagwo-workout ang aktres.
"Sa akin po, I am proud that I am doing something about it. Hindi po prente prente lang kumbaga," saad ni Manilyn sa kanyang interview.
Dagdag pa ng aktres ay pinili niya umanong mag-commit sa healthy lifestyle. "Yes it's good to eat, masarap talagang kumain. Pero po ang sa akin, masarap kumain pero binabawi ko po sa takbo, sa boxing, kasi nga po gusto namin maging healthier this time."
Sa loob ng isang buwan ay eight pounds na raw ang nababawas sa timbang ni Manilyn.
Panoorin ang kabuuang ulat ng 24 Oras: