What's Hot

WATCH: 'Kambal, Karibal' cast, may paandar na pictorial tuwing taping

By Maine Aquino
Published June 15, 2018 12:01 PM PHT
Updated June 15, 2018 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No winners in 6/49, 6/58 lotto draws on Sunday, Dec. 28
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News



Silipin ang naging pagbisita ni Cata Tibayan ng 24 Oras sa taping ng 'Kambal, Karibal' kung saan nataon na mayroon ding "paandar" pictorial ang cast and crew.

Sa likod ng heavy drama at kaabang abang na mga eksena ng Kambal, Karibal ay mayroon rin palang isang masayang paandar.

Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras ay tuwing taping ay may pictorial ang cast at production sa set ng Kambal, Karibal. Sila ay nag-uusap usap umano ahead of time para maging pasok ang lahat sa napiling outfit of the day. Balik high school, floral power, all pink, all blue, all green, all red pati na rin stripes ang ilan lamang sa kanilang mga naging tema sa kanilang pictorial. 

Sa pagbisita ni Cata sa kanilang set ay K-Pop naman ang kanilang tema sa araw. Ayon kay Bianca Umali, "Nagsimula talaga siya sa production lang. Nalaman namin may ganun pala then naisipan naming mga artists na baka puwede kaming sumali. Tapos doon na nagsimula ang pictorials. "

Ani naman ni Kylne Alcantara, "Sobrang excited ako lagi kasi doon kami nagkakasama-sama."

Si Alfred Vargas naman ay nahirapan umano sa kanilang theme. Aniya, "Medyo mahirap kaya ito lang naano ko. Pagtingin ko ng closet ko, wala akong pang-K-Pop. Wala sa personality ko ang maging K-Pop."

Panoorin ang kanilang masayang bonding: