What's Hot

Maaksiyon ang pagsasara ng kuwento sa 'Moribito Final'

By Marah Ruiz
Published June 20, 2018 10:33 AM PHT
Updated June 20, 2018 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Scottie Barnes hits special triple-double, Raptors top Warriors in OT
1 dead, 1 hurt after tunnel collapses in Zamboanga del Sur
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin sa 'Moribito Final,' simula June 25, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 am sa GMA FantaSeries. 

 

 

Narito na ang pangatlong yugto (wag muna natin sabihing huling season, since season Title lang siya and di rin kami sure and possible na may isusunod pa silang season) ng Japanese fantasy series na base sa bestselling novels ni Nahoko Uehashi, ang Moribito Final

Sa pagpapatuloy ng kuwento, nakabuo na ng alyansa si Chagum (Mizuki Itagaki) sa pagitan ng kanyang kaharian na Shin Yogo at kaharian ng Rota.

Aatasan siya ng hari na maglakbay patungo sa kaharian ng Kambal para subukang bumuo ng panibagong alyansa dito.

Patuloy kasing inaatake ng kaharian ng Talsh ang Bagong Yogo, kaya umaasa si Chagum na matutulungan siya ng pagkakaisa ng tatlong kaharian.

Bukod dito, may parating pang malaking baha sa Bagong Yogo. 

Samantala, sa pagbabalik ni Balsa (Haruka Ayase) sa kanyang orihinal na tahanan sa Kambal, bibigyan siya ng hari ng isang misyon. 
 
Pipilitin siya nitong kalabanin ang misteryosong nilalang na tila naghahari sa kabundukan—misyong minsang nang iniatas ng hari sa kanyang ama.

Sa kanyang pagpayag, matutuklasan ni Balsa na ang  kanyang ama-amahang si Jiguro (Koji Kikkawa) pala ang kanyang makakalaban. 

Ano ang naghihintay kina Chagum at Balsa sa kanilang mga misyon?

Alamin sa Moribito Final, simula June 25, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 am sa GMA FantaSeries.